
Baby Step 1
₱ 50,000 bilang Paunang Emergency Fund
Ang emergency fund ay para sa mga di inaasahang kaganap sa buhay mo na di napag planuhan. Kung may problema sa kusina ng bahay o kailangan mong magpagawa ng sasakyan, kaya mong maging handa!
Sa unang hakbang na ito, ang layunin ay makapag ipon ng ₱ 50,000 sa lalong madaling panahon. Puntahan ang iyong mga imbakan/bodega at magbenta ng ilang bagay. Maghanap ng ekstrang trabaho. Gawin ang anumang kailangan upang makapag simula ang pag-iipon ng pera. Sa sandaling mayroon ka na nito, mag bukas ng isang checking account na hiwalay sa iyong regular na account at doon ilagay ang pera. Kapag naubos ang baterya ng sasakyan o may nasirang gamit sa bahay, di mo na kailangan umutang upang ipagawa ito. Hindi mo gugustuhin na maghukay ng mas malalim na butas habang sinusubukan mong lumabas sa pagkaka baon sa utang.