top of page

Retirement
"Pagreretiro"
Simulan ang Pag-iipon para sa Pagreretiro Ngayon, Huwag ipagpabukas!
Ang pagreretiro ay isang pinansiyal na numero. Ito ay tungkol sa pag-iipon ng sapat upang mabuhay ng maayos kapag nagretiro ka na. Kung maaga kang mag sisimula ay maaga mo ring makakamit ang mga mithiin mo sa pagreretiro. Magsimula nang mag ipon ngayun.

1) Magsimulang bumuo ng matatag na pundasyong Pinansiyal.
Inirerekomenda ni Dave na simulan mo ang pamumuhunan para sa pagreretiro pagkatapos mong magawa ang dalawang bagay: Nabayaran na ang lahat ng utang maliban sa bahay at nakapag ipon na ng tatlo hanggang anim na buwan ng mga gastusin.

2) Tukuyin kung magkano ang kailangan mong ipunin para sa pagreretiro.
Ang pagreretiro ay hindi nakasalalay sa edad. Ito ay isang pinansiyal na numero. Ito ang halaga ng pera na kakailanganin mong makamtan upang makuha mo ang buhay na gusto mo sa oras mag retiro ka na. Planuhin kung magkano ang kailangan mong i-save para sa pagreretiro sa pamamagitan ng pagtukoy sa iyong Retire Inspired Quotient (R: IQ).

3) Gumamit ng isang simpleng paraan sa pamumuhunan (investing)
Mamuhunan ng 15% ng iyong kabuuang kita sa mga pre tax retirement accounts at Roth IRA, o para sa ating mga pinoy ay ang PERA o Personal Equity and Retirement Account. Ilagay ang iyong pera sa pagreretiro sa mutual funds na may mahusay at subok na track record. Gusto mo bang malaman kung paano mamuhunan sa mutual funds? I click ang link na ito para sa karagdagang impormasyon:

4) Tratuhin ang pamumuhunan sa pagreretiro bilang isang marathon, hindi isang sprint.
Kapag mas matagal mong ilalagak ang iyong pera sa pamumuhunan (investment) ay lalo itong lalago sa tulong ng compound interest. Kapag namimili ng retirement funds, magandang ideya na makatrabaho ang isang eksperto sa pamumuhunan na itinataguyod ni Dave. Maghanap ng isang SmartVestor Pro sa iyong lugar! Sa ating mga Pinoy naman, ang COL financial ang isa sa subok na pwedeng pagpilian. Maaari mo ring tingnan ang FirstMetroSec o BPI Trade.
The information shown above are excerpts from Dave Ramsey. Visit www.daveramsey.com for more info.
RECENT POSTS
Useful Links
bottom of page