top of page

Home Buying
"Pagbili ng Bahay"
Ang Madaling Proseso sa Pagbili ng Bahay
Maraming OFW ang nangangarap na magkaroon ng sariling bahay. Kadalasan umuubos sila ng labis sa pagbili ng bahay. Dito makikita mo kung paano ka makakahanap ng isang bahay na gusto mo at kakayanin mo ring bayaran.

1) Siguraduhin na ang iyong mga finances ay nasa tamang order bago bumili ng bahay.
Bago bumili ng bahay, dapat mong bayaran ang lahat ng iyong utang, tulad ng mga pagbabayad ng kotse, credit card at personal loans. Mayroon ka rin dapat 3-6 na buwang katumbas na panggastos (expenses) bilang emergency fund at mag ipon ng 10-20% na pang down payment sa nais bilhing bahay.

2) Alamin kung magkano ang iyong magiging buwanang hulugan.
Ang iyong buwanang paghuhulog sa mortgage ay dapat na mas mababa sa 25% ng iyong naiuuwing sahod. Mahalaga na malaman kung magkano ang bahay na maaari mong bayaran upang maiwasan ang problemang pinansiyal.

3) Kumuha ng 15-taon, fixed-rate mortgage.
Sa 15-taon na fixed rate mortgage ka mas makakatipid sa interes, kumpara sa isang 30-taon o variable rate mortgage.

4) Maghanap ng isang mahusay na ahente ng bahay.
Ang isang magaling na ahente ng real estate ay makakatulong na tiyaking hindi ka masyadong magbayad ng malaki para sa iyong bagong tahanan. Maaari ka rin nilang tulungan sa mga di inaasahang hadlang sa pamimili ng bahay at kaya rin nilang sagutin lahat ng iyong mga katanungan bago mo bilihin ang bahay.
The information shown above are excerpts from Dave Ramsey. Visit www.daveramsey.com for more info.
RECENT POSTS
Useful Links
bottom of page