top of page

Budgeting
"Paglalaan"
Paano Gumawa ng Epektibong Buwanang Budget
Hindi mo kailangang hintayin ang katapusan ng buwan para magtaka kung saan napunta ang iyong pera. Ang pag gawa ng budget ay simpleng paraan ng pagsasabi sa pera mo kung saan mo ito gustong ilagay o gamitin. Kung hindi ka pa sanay sa paggawa ng budget, huwag mag alala, kailangan mo lng ng konting panahon at ensayo. Sa kalaunan masasanay ka rin at magiging eksperto.

1) Isulat ang kabuuang sweldo para sa isang buwan.
Ito ang buong sahod na inuuwi mo para sa iyo o kung kasal ka, pati sa asawa mo. Huwag kalimutang isama ang lahat - regular na trabaho, part time na trabaho at iba pang kasalukuyang pinagkukunan ng pera o sweldo.

2) Ilista lahat ng gastusin.
Isipin ang mga regular na bayarin gaya ng (mortgage, kuryente, atbp.) at ang mga iregular na bayarin (mga quarterly payments gaya ng insurance o HOA) na kailangan ding bayaran sa nalalapit na buwan. Pagkatapos nito, buuin ang iba pang mga gastos, tulad ng pagkain, gas sa sasakyan, at libangan (entertainment). Ang bawat piso na gagastusin mo ay dapat na mayroong kategorya.

3) Ibawas ang mga gastusin mula sa kinita (sweldo) hanggang maging zero.
Ito ay tinatawag na zero-based budget, ibig sabihin ang iyong kita na ibabawas sa iyong mga gastos ay dapat na pumatay o mag equal sa zero. Kung ikaw ay may sobra o kulang, suriin ang iyong computation o bumalik sa unang hakbang at subukan muli.

4) Subaybayan ang iyong mga gastos sa buong buwan.
Sa sandaling simulan mo ang pag-budget, kailangan mo pa ring subaybayan ang iyong paggastos. Maaari kang gumawa ng simpleng listahan o gumamit ng software gaya ng Microsoft Excel o via online gaya ng EveryDollar.
The information shown above are excerpts from Dave Ramsey. Visit www.daveramsey.com for more info.
RECENT POSTS
Useful Links
bottom of page